Naniniwala ang isang Maritime law expert si Professor Jay Batongbacal na kailangan ng bansa na maging palaging handa dahil sa lumalang tensyon sa West Philippine Sea.
Kasabay nito, hinihayag din nito na kailangan ng bagong polisiya ng susunod na administrasyon pag dating sa isyu ng agawan ng territoryo.
Kamakailan lang ay napabalitang nagdala ng missile equipment ang China sa isa sa mga isla na ginawa nito sa West Philippine Sea.
At ngayong linggo naman inamin nitong nagpadala ito ng barko sa Jackson Atoll na malapit lang sa Palawan.
Kaya pangamba ng ilan baka mas lumala ang tensyon dahil dito at mauwi ito sa giyera.
Pero ayon kay Professor Jay Batongbacal, malayong mangyaring magkaroon ng fullscale war sa South China Sea.
Subalit posible anyang magkaroon ng mga insidente nang panghaharass sa naturang lugar na dapat paghanda palagi ng palagi ng Pilipinas.
At ngayong nalalapit na ang pagpapalit ng administrasyon mas dapat na rin anya itong paghandaan ng bansa sa anomang maaring mangyari sa Pilipinas.
Dagdag pa ni Professor Batongbacal na isa naman sa mga maaring ikunsiderang gawin ng susunod na administrasyon ay ang pagkakaroon ng patuloy na komunikasyon at pakikipagusap sa China kaugnay ng West Philippine Sea dispute, bagay na tila hindi anya ipinagpatuloy ng pamahalaan mas lalo na ngayong mas lumala ang tensyon sa West Philippine Sea.
Sinabi naman ng dfa na makailang beses na itong nakipagbilateral talks sa China ngunit walang nangyari.
Sa ngayon ay wala pa anyang planong ang bansa na makipagusap o makipagbilateral talks muli sa China.
(Joms Malulan / UNTV Radio Reporter)
Tags: isang Maritime law expert, Pilipinas, West Philippine Sea