Sa layuning makatulong sa mga Overseas Filipino Worker na umuwi ng Pilipinas mula sa krisis o hindi magandang karanasan sa pagtatrabaho sa ibang bansa, inilunsad ng Department of Labor and Employment Region 3 ang Assist Well Processing Center.
Ang Assist Well Program ay nagbibigay ng serbisyo para sa mga OFW tulad ng stress debriefing, pagpapayo, local at overseas employment referral, livelihood assistance, legal and conciliation services, competency assessment at training assistance.
Batay sa tala ng ahensiya, umabot na sa mahigit walumpu ang mga repatriated OFW ang na ina-asistihan ng programa sa rehiyon.
Ayon sa DOLE sa pamamagitan nito ay inaasahan na mas maraming repatriated OFWs na nakatira sa buong rehiyon ang agad na mabibigyan ng tulong.
Ang Assist Well Center sa Central Luzon ay matatagpuan sa Regional Office Diosdado Macapagal Government Center, Maimpis City, San Fernando, Pampanga.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: Assist Well Processing Center, Central Luzon, DOLE III, mga repatriated OFWs