Malacañang, hindi nababahala sa pagsuporta ng Nationalist People’s Coalition kay Sen. Poe

by Radyo La Verdad | March 1, 2016 (Tuesday) | 1466

JERICO_COLOMA
Hindi nababahala ang Malacañang sa pag-endorso ng Nationalist People’s Coalition o NPC sa tambalang Sen. Grace Poe at Sen.Chiz Escudero.

Ito ay matapos na ianunsiyo ni NPC President Giorgidi Aggabao kasama ang mga opisyal nito kahapon ang kanilang pagsuporta sa dalawang kandiadato.

Ang NPC ang itinuturing na ikalawa sa pinakamalaking partido sa bansa sumunod sa Liberal Party ni Pangulong Aquino.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang pormal na pagendorso aniya ng isang political party sa mga kandidato ay nagpapakita lang ng paninindigan nito sa mga pambansang isyu kung saan isinusulong nito ang plataporma sa pamamahala.

Nirerespeto naman nila aniya ang hakbang ng NPC dahil sa mga ganitong paraan naman aniya nakikinabang ang sambayanang Pilipino.

Nauna nang nakipagpulong ang NPC sa iba pang Presidential Candidate kabilang si Liberal Party Standard Bearer Mar Roxas subalit tanging si Sen. Poe lamang ang laging nakakausap ng mga ito.

(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)

Tags: , , ,