Hinihiling ng kampo ni dating Senador Kit Tatad na patawan ng contempt ng Korte Suprema si dating Chief Justice Artemio Panganiban.
Isa si Tatad sa mga nagpetisyon sa Commission on Elections upang madisqualify si Senador Grace Poe sa pagtakbo nito bilang pangulo ng bansa.
Sabi ng kanyang abogado, maituturing na panghihimasok sa kaso ni Poe ang sinulat ni dating Chief Justice Panganiban sa kanyang column sa Inquirer nitong linggo kung saan sinabi umano nito na posibleng mauwi sa constitutional at political crisis kapag kinatigan ng mataas na hukuman ang pagdiskwlipika ng Comelec kay Poe.
Maituturing aniya ito na banta at pamimresure sa mataas na hukuman.
Submitted for resolution na ang mga petisyon ni Poe at sinabi na mismo ng korte na maglalabas sila ng desisyon dito sa lalong madaling panahon.
Nitong nakaraang Enero, hiniling din ni Rizalito David sa Korte Suprema na ma-contempt si Panganiban dahil sa pagtalakay sa kanyang apela sa desisyon ng Senate Electoral Tribunal na nagsasabing natural born filipino citizen ang Senadora.
Kasalukuyang nakabinbin sa mataas na hukuman ang apela ni David sa desisyon ng SET.
(Roderic Mendoza/UNTV NEWS)
Tags: Dating Chief Justice Artemio Panganiban, dating Senador Kit Tatad