Korte Suprema, hinimok na tanggalin ang political ad ni Sen. Grace Poe

by Radyo La Verdad | January 19, 2016 (Tuesday) | 3957

SEN-GRACE-POE
Naghain ng isang manifestation ang abogado ni dating Senador Kit Tatad upang hilingin sa Korte Suprema na ipatanggal sa ere ang political advertisement ni Senador Grace Poe.

Sa naturang television advertisement ay sinasabing hindi pa disqualified si Poe sa pagtakbo bilang presidente at inihahalintulad sa kaso ng kanyang amang sa Fernando Poe Junior sa bandang huli ay kinatigan ng Korte Suprema.

Ayon kay Atty. Manuelito Luna, sinusubukan ng naturang patalastas na i-pressure ang mga mahistrado upang magdesisyon pabor sa kanya.

Bagamat tiwala siya sa integridad ng mga mahistrado, ang pagtatangkang impluwensyahan ang desisyon ng mataas na hukuman , para kay Atty. Luna ay isang comtemptous act na hindi dapat ipagwalang bahala.

Dati namang sinabi ng kampo ni Senador Poe na walang nilalabag ang naturang patalastas at alam naman ng mga istasyon kung ano ang nararapat at hindi nararapat ipalabas.

(Roderic Mendoza/UNTV News)

Tags: ,