Dental data record system planong itayo ng NBI

by Radyo La Verdad | February 29, 2016 (Monday) | 1495

NBI
Pinagiisipan ng National Bureau of Investigation na magtayo ng dental data record system sa bansa.

Ayon kay NBI Director Virgilio Mendez, malaki ang maitutulong sa pag-iimbestiga kung may dental record na hawak ang NBI at law enforcement agencies.

Mas madali din anya victim identification sa mga biktima ng kalamidad, sunog kahit naagnas na ang bangkay ng mga ito.

Mas praktikal ding umanong gamitin ang dental records kung ikukumpara sa DNA testing.

Nabatid na noong 1978, naisabatas ang Presidential Decree No. 1575 na nagtatakda sa mga dentista na itagong mabuti ang dental record ng pasyente at isumite ito sa NBI pagkalipas ng 10 taon.

Sa ngayon hinihintay pa nila na maipasa ang Modernization Act na nakabinbin sa Kongreso para magkaroon ng pondo para sa proyekto.

(UNTV RADIO)

Tags: ,