Pagtutuloy ng operasyon ng nasunog na LPG depot sa Calaca, Batangas, ipinauubaya ng lokal na pamahalaan sa national government

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 2088

VINCENT_CALACA
Desidido ang mga residente sa dalawang baranggay sa Calaca, Batangas na naapektuhan ng sunog sa LPG storage facility ng South Pacific Incorporated na maghain ng reklamo laban sa kumpanya.

Ayon sa mga ito, ayaw na nilang magpatuloy ang operasyon ng naturang LPG depot.

Ayon naman kay Calaca Mayor Sofronio Ona, wala sa kanilang hurisdiksyon na desisyunan ang naturang isyu.

Paliwanag ng alkalde, ang national government ang pangunahing nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente at igagalang nila ang magiging resulta nito.

Tiniyak naman ng South Pacific Incorporated na sa oras na ideklara ang fireout ay ibibigay nito ang buong kooperasyon sa mga nag-iimbestigang ahensya partikular na sa Bureau of Fire Protection.

Muli rin itong humingi ng paumanhin sa mga residenteng apektado ng sunog.

Ayon kay SPI business development head engr. Ronnie badidles, simula day-one ay may koordinasyon na sila sa lokal na pamahalaan kaugnay sa pagbibigay ng pangangailangan ng mga evacuee.

Samantala hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nawawala ang apoy sa ika-apat na LPG tank.

Ayon sa BFP, hindi maaaring basta apulahin ang apoy dahil sa posibilidad na kumalat ang LPG kung kaya inuubos na lamang nila ang natitirang laman ng tangke.

(Vincent Octavio / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,