Mga karanasan sa panahon ng martial law, muling sinariwa ni Pangulong Aquino; pamilya Marcos, tinuligsa

by Radyo La Verdad | February 26, 2016 (Friday) | 3871

PNOY
Sumentro ang talumpati ni Pangulong Benigno Aquino the third sa paggunita sa ikatlong dekada ng EDSA People Power sa pagbatikos sa naging pamumuno noon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos at sa pagpapatupad nito ng martial law.

Binatikos rin ng Pangulo si Senator Bongbong Marcos.

“Totoo nga naman po ang kasabihan: ang kasalanan ng ama ay hindi dapat ipataw sa anak. Pero ang masakit: ‘yun pong kadugo ng diktador, sa mahabang panahon ay puwede namang sinabing, “nagkamali ang aking ama” o “nagkamali kami; bigyan n’yo kami ng pagkakataong iwasto ito.” Pero isipin na lang po ninyo, ito ang tahasang naging pagsagot niya, “i am ready to say sorry if I knew what I have to be sorry for.” Pahayag ng Pangulo

Inihayag rin ni Pangulong Aquino sa kaniyang talumpati ang kaniyang panghihinayang sa hindi pagkakapasa ng Bangsamoro Basic Law sa kongreso.

Dito sinisi ng Pangulo si Senator Marcos sa pagkabinbin ng BBL.

“Talagang nanghihinayang ako, dahil ang tanging batas na maghahatid ng katarungan at kapayapaan, sadya pa po talagang hinarang. At di po ba: ang BBL, naipit sa Senado sa kumite para sa lokal na gobyerno, na pinamumunuan ni Senador Marcos? Di ba nung pinakahuling araw ng sesyon, tuloy pa rin ang pag-interpellate ni Senador Enrile?

Ito na ang huling pagdalo ni Pangulong Aquino sa taunang programa sa paggunita sa EDSA People Power Revolution bilang pangulo ng bansa.

(Nel Maribojoc/UNTV NEWS)

Tags: ,