Subic Bay Metropolitan Authority, tinanghal bilang number 1 tourist destination sa Central Luzon sa loob ng dalawang taon

by Radyo La Verdad | February 24, 2016 (Wednesday) | 4014

LESLIE_SBMA2
Tinanghal ng Department of Tourism Region 3 ang Subic Bay Metropolitan Authority bilang number 1 tourist destination sa Central Luzon sa loob ng dalawang taon tinawag din itong “Premier Convention Capital” sa Central Luzon noong taong 2012.

Isa ang Subic Bay Freeport sa mga destinasyon na pinaka binibisita ng mga turista kaya naman pinananatili nito ang maganda at kapanapanabik na serbisyo para sa mga dadagsang turista lalo na sa darating na long weekend.

Ayon sa ulat, umabot sa mahigit pitong milyon ang mga turistang nagtungo sa lugar noong nakaraang taon, ito ay mas mataas ng labing apat na porsiyento kumpara noong taong 2013 na may mahigit na anim na milyon turista lamang.

Dagdag pa nito ang mga turistang nanatili sa lugar ng ilang araw ay umaabot ng 1.43 million noong taong 2015, mas mataas ng 21 porsiyento kumpara noong taong 2014 na nasa 1.8 million.

(Leslie Huidem / UNTV Radio Reporter)

Tags: , ,