Kakayahan ng mga makabagong military air asset ng AFP, muling ibibida sa People Power Revolution anniversary

by Radyo La Verdad | February 23, 2016 (Tuesday) | 1674

AIR-ASSEST
Mahigit sa dalawamput–limang makabagong air assets ng Philippine Army ang muling mamamalas ng publiko sa huwebes, February 25 sa selebrasyon ng ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Tampok sa aerial display ang 15 light militarY trainer jets, 3 utility helicopters, 3 military utility helicopters o hueys, at 3 august west land attack helicopters.

Kasama rin sa gagawing flyby sa huwebes ang dalawang bagong FA-50 fighter jets na magpapamalas ng high speed opener passes at dalawang UH-1H na magsasabog naman ng mga bulaklak sa nasabing okasyon.

Ang dalawang bagong figther jets ay nabili ng Pilipinas noong november 2015 na bahagi ng 12-aircraft deal sa korea aerospace industries na nagkakahalaga ng 18.9 billion pesos.

Paliwanag ng AFP, layon ng nasabing air craft show na maipakita sa mga Pilipino ang mas pinaigting na kakayahan ng sandatahang lakas ng bansa, sa usapinng aerial warfare.

Ang pagpapalipad sa air assets ng Pilipinas ay bahagi rin ng pagsasanay ng mga piloto.

Isa rin sa mga inaabangang bahagi ng anibersaryo ng People Power ang makasaysayang unity walk o salubungan na pangungunahan naman ng AFP at Philippine National Police.

Dito sama-samang maglalakad ng kapit-bisig ang mga pulis at mga sundalo na sumisimbolo sa pagkamit ng kalayaan ng mga pilipino laban sa rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Muli namang tiniyak ng AFP na sa ngayon ay wala naman silang namomonitor na anumang banta ng kaguluhan sa mismong araw ng paggunita sa ika-30 anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

(Joan Nano/UNTV News)

Tags: ,