PMA, ikinalungkot ang pagkakadawit ng sandatahang lakas sa isyung kinasangkutan ng kanilang alumni

by Radyo La Verdad | February 22, 2016 (Monday) | 2813

PMA
Ikinalungkot ng pamunuan ng Philippine Military Academy o PMA ang pagkakadawit ng akademya sa mga isyung kinasasangkutan ng kanilang alumni gaya ng nangyari kay Lieutenant Colonel Ferdinand Marcelino.

Kaya naman dumidistansya umano sila at iniiwasang magkomento pa sa mga ganitong isyu.

Ayon kay PMA Spokesperson Lieutenant Colonel Reynaldo Balido, hihintayin nila ang desisyon ng korte hinggil sa kaso nito at dapat lamang umano na pagdusaan nito kung mapapatunayang sankot ito sa operasyon ng ipinagbabawal na gamot.

Ngunit ang mga kaklase naman ni Marcelino na mula sa PMA class 1994 – Bantay Laya, todo-suporta sa opisyal kung ang pagbabatayan ay ang mga tarpaulin na may nakalagay na “Solid Marcelino” na nakakabit sa mga gilid ng kalsada patungo ng Fort Del Pilar O sa PMA Baguio City.

(UNTV News)

Tags: , , ,