Problema sa ekonomiya ng Middle East dahil sa mababang presyo ng langis, malayo pang magbunga ng malawakang retrenchment -POEA

by Radyo La Verdad | February 18, 2016 (Thursday) | 3094

POEA-Chief-Hans-Leo-Cacdac
Nagpahayag kamakailan ang isang labor group na libo libong pilipino sa Saudi Arabia ang nanganganib na mawalan ng trabaho dahil sa oil price decline.

Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration O POEA, attached agency ng Department of Labor and Employment na walang nagaganap na malawakang tanggalan ng trabaho sa Saudi Arabia.

Katunayan sa tala ng POEA, tatlo pa lamang ang nai-record na umuwi sa Pilipinas mula sa Middle East dahil sa epekto ng oil price decline.

Mayroon mang mga kumpanya sa Saudi na nagtatanggal ng mga OFW, wala naman itong kinalaman sa oil price decline at hindi rin ito malawakan.

Paliwanag ni POEA Chief Hans Leo Cacdac, matibay pa rin ang labor market sa Middle East particular na sa gulf states tulad ng Saudi Arabia at katunayan in-demand pa rin ang mga filipino worker.

Tumaas kaninang umaga ng mahigit 7 percent ang presyo ng crude oil sa world market.

Itoy matapos magpahayag ng suporta ang Iran sa plano ng Saudi at Russia na magpatupad ng oil output cut.

Ayon sa POEA, isang senyales ito na ginagawan nang paraan ang negatibong epekto ng mababang halaga ng langis sa ekonomiya ng mga oil producing country

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang monitoring ng Pilipinas sa Middle East lalo na sa sektor ng oil at gas production.

Paliwanag ng POEA,sakaling lumala ang sitwasyon, hindi naman lahat ng sektor sa labor market sa Saudi o buong Middle East ay maapektuhan.

Mayroon pang ibang sektor sa naturang bansa o rehiyon na tiyak na mangangailangan pa rin ng mga manggagawa.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: , ,