Pamahalaang Pilipinas, patuloy na nakahanda sakaling magtanggalan ng trabaho sa Middle East – Malacañang

by Radyo La Verdad | February 17, 2016 (Wednesday) | 1781

EDWIN-LACIERDA
Muling tiniyak ng Malakanyang na nakahanda ang mga ahensya ng pamahalaan sakaling magkaroon ng malawakang tanggalan ng trabaho sa Middle East countries bunsod ng patuloy na pagbaba ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, gaya ng inihayag na ni Department of Labor and Employement Secretary Rosalinda Baldoz, nakahanda ang ahensya sa paguwi sa bansa ng mga Overseas Filipino Worker partikular na sa pagbibigay ng asssistance tulad ng livelihood programs.

Sa kasalukuyan ay patuloy na minomonitor ng pamahalaan Pilipinas ang sitwasyon sa Middle East lalo sa posibleng malaking epekto ng patuloy na pagbaba ng oil prices.

Tags: , , ,