Tinapos na ng Senado ang sesyon sa 16th Congress o sine die adjournment na nagsimula noong July 2013.
Ipinagmalaki naman ni Senate President Franklin Drilon ang dalawandaan at tatlumputwalong bagong batas ang naaprubahan sa ilalim ng 16th Congress.
Kabilang na rito ang kalalagda lamang ni Pangulong Benigno Aquino the third na Department of Information and Communications Technology o DICT Law at Customs Modernization and Tarriff Act.
Samantala nagpaalam na rin ang mga senador na last termer kabilang na si Senador Juan Ponce Enrile na nagpaalam na sa pulitika at sinabing mananatili na lamang isang private citizen.
(UNTV RADIO)
Tags: 16th Congress