Sesyon ng Senado para sa 16th Congress, magtatapos na ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 6, 2016 (Monday) | 2204

senate logo
Inaasahang magtatapos na ngayong araw ang sesyon ng Senado para sa 16th Congress.

Magkakaroon ng kani-kanyang privilege speech ang mga outgoing senators at magdedeliver naman ng kanyang speech si Senate President Franklin Drilon sa mga naipasa ng Senado na panukalang batas.

Sa pagbubukas naman ng 17th Congress inaasahang iwe-welcome sa senado ang mga newly-elected at first-time Senators na sina Joel Villanueva, Risa Hontiveros, Sherwin Gatchalian, Leila De Lima, At Emmanuel “Manny” Pacquiao.

(UNTV RADIO)

Tags: