Bilang ng mga walang trabaho, bumaba sa nakalipas na 2015 ayon sa SWS Survey

by Radyo La Verdad | February 10, 2016 (Wednesday) | 4636

CROWD
Naitala noong 2015 ng SWS ang pinakamababang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho sa loob ng labing isang taon.

Sa kabuuan ng taong 2015, bumaba sa annual average na 21 point nine percent mula 25 point four percent ang bilang ng mga walang trabaho base sa survey ng SWS.

Para naman sa fourth quarter ng 2015, sa 42 point six million na pilipinong may kakayahang magtrabaho, 21 point four percent o nine point one million ang bilang ng mga pilipinong walang trabaho.

Mas mababa sa sampung milyong pilipinong walang trabaho noong September ng kaparehong taon, at 27 percent noong december 2014.

Sa bilang na ito ng mga walang trabaho, four point one million ang mga nagresign, three point four million ang tinanggal sa trabaho, at one point five naman ang mga first time job seekers.

Isinagawa ang survey noong ika lima hanggang ika walo ng Desyembre 2015 sa isang libo at dalawang daang respondents.

Lumabas din sa survey na tumaas sa 45 percent ang bilang ng mga pilipinong naniniwalang magkakaroon ng mas maraming job openings sa susunod na labing dalawang buwan.

27 percent naman ang nagsabing mananatili ang mga ito sa kanilang kasulukuyang trabaho habang 16 percent ang nagsabing mas kaunti ang bilang ng trabahong magagawa sa mga susunod na buwan.

Dahil dito, naitala ang plus 29 o high net optimism on job availability para sa fourth quarter ng nakalipas na taon, mas mataas sa plus 13 o fair net optimism noong september ng 2015.

Ikinatuwa naman ng Malacanang ang latest survey results.

Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma JR, patunay ito na may positibong epekto ang mga ginagawa ng pamahalaan upang magkaroon ng trabaho ang mga pilipino.

Sinabi rin ni Coloma na mas paiigtingin pa ng pamahalaan ang pagpapatupad ng mga programa tulad ng skills training, skills matching , at pagpopromote ng pamumuhunan para sa industry expansion.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: ,