Nakabalik na kahapon sa kanilang bansa ang isangdaan at animnaput walong Indonesian nationals na pansamantalang na-hold sa immigration detention centers sa Pilipinas.
Ang mga ito ay kabilang sa isangdaan at pitumput pitong Indonesian pilgrims na nahuli sa Ninoy Aquino International Airport noong Agosto gamit ang Philippine Hajj passports.
Ayon kay Indonesian Ambassador to the Philippines Johnny Lumintang, siyam sa mga ito ay nananatili pa sa pilipinas upang sumailalim sa isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay ng pangyayari.
Sa inisyal na imbestigasyon lumalabas na anim hanggang sampung libong dolyar ang ibinayad ng bawat Indonesian para sa passport.
Ginamit din ang natitirang slot na inilaan ng Saudi government para sa Philippine pilgrims.
Tags: 168 Indonesians na nahuli sa NAIA, gamit ang pekeng Philippine passport, Indonesia