Social media at online videos, isa sa mga pangunahing dahilan ng teenage pregnancy

by Radyo La Verdad | February 4, 2016 (Thursday) | 4818

LALAINE_TEEN-PREGNANCY
Nagbabala ang Iloilo Provincial Population Office o PPO sa publiko lalo na sa mga magulang sa masamang naidudulot ng social media maging ng online videos.

Ayon sa PPO ang panonood ng mga malalaswang online videos ay isa sa sinasabing dahilan ng maraming kaso ng teenage pregnancy o maagang pagbubutis sa bansa.

Ayon sa demographic reports ng Brgy.Service Point Officers o BSPOS noong 2012, 8.7% ng kabuuang populasyon ng Iloilo ang naitalang maagang nabuntis, tumaas ito sa 9.7% noong 2013 at 9.19% sa 2014.

Ibig sabihin siyam sa sampung nanganganak o siyamnapu sa isang libong buntis ay mga teenager.

Payo ng mga experto sa mga magulang, dapat laging kinakausap at pinaalalahanan ang mga anak tungkol sa paggamit ng internet at panonood ng mga online videos.

Noong 2011 sinimulan na ng Iloilo Provincial Government katuwang ang DepEd at lokal na pamahalaan ang pagpapatayo ng limampung teen centers sa lalawigan.

Ang teen centers ay isang recreational room kung saan pweding pumunta dito ang mga estudyante tuwing vacant hours sa eskuwela upang maglibang o magbasa.

Umaasa ang lokal na pamahalaan na malaki ang maitutulong nito upang mapababa ang kaso ng maagang pagbubuntis.

(Lalaine Moreno / UNTV Correspondent)

Tags: , ,