Pinsala ng El Niño sa bansa, umabot na sa P3.6B

by Radyo La Verdad | February 3, 2016 (Wednesday) | 1561

REY_ALCALA
Nadagdagan pa ang halaga ng pinsala ng El Niño Phenomenon sa agrikultura sa bansa.

Ayon kay Sec.Proceso Alcala, sa ngayon ay umabot na ito sa P3.6B mula ng umiral ang El Niño noong nakaraang taon.

Mas malaki ang pinsala sa palay at mais na pangunahing mga pananim sa bansa.

Karamihan sa mga lugar na naapektuhan ay sa Mindanao lalo na sa Region 12.

Ayon sa kalihim, noong nakaraang taon pa ay na-anticipate na ng pamahalaan ang pagiral ng El Niño kaya’t napaghandaan na ito.

Namimigay aniya ng libreng drought tolerant na mga binhi ang ahensya at nagsasagawa rin ng cloud seeding sa mga apektadong lugar.

(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)

Tags: ,