Mamasapano investigation, hindi pa kumpleto – Sen. Cayetano

by Radyo La Verdad | January 29, 2016 (Friday) | 4718

ALLAN-CAYETANO
Hindi kuntento si Senate Majority Leader Alan Peter Cayetano sa imbestigasyon ukol sa Mamasapano

Ito’y kahit nagkaroon na ng reinvestigation ang senador nitong myerkules.

Sinabi ni Cayetano, hindi nasagot kung bakit ang Special Action Force ang ginamit upang kunin si Marwan, ano ang papel ng MILF bago at matapos mapuntahan si Marwan at kung may opotunidad ba na masagip ang SAF 44

Paniwala ng senador kailangan may maglakas loob na humarap bilang testigo sa aktwal na pangyayari…

Ayon kay Cayetano, malalaman ng lahat ang dahilan kung bakit hindi pa buo ang imbestigasyon ng senado sa Mamasapano massacre kapag nailabas na ang pinagusapan sa executive session

Sa kasalukuyan ay may labinlimang senador na ang lumagda upang isapubliko nasa executive session..

Para naman sa Chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs na si Senador Grace Poe, sapat na ang kanilang ginawang imbestigasyon

Naniniwala rin si Poe na wala ring dahilan upang baguhin ang committee report na naunang nailabas na nagsasabing responsible ang pangulo sa misyon sa Mamasapano.

(Bryan de Paz/UNTV News)

Tags: ,