Nais ng Department of Justice na makatiyak sa ilalabas nilang resulta ng preliminary investigation sa mga reklamo kaugnay ng insidente sa Mamasapano.
Kayat kahit tinapos na ng DOJ ang pagdinig nitong nakaraang January 14, posibleng sa katapusan ng Pebrero pa mailabas ang kanilang resolusyon.
Mahalaga ayon kay Acting Secretary Emmanuel Caparas na suportado ng ebidensiya ang susunod nilang hakbang lalo na kung isasampa nila sa korte ang kaso laban sa mga respondent.
Tiniyak din ng kalihim na hindi maaapektuhan ang kaso ng muling pagbubukas ng pagdinig sa senado.
Mahigit syamnapung mga miyembro ng MILF, BIFF at private army ang nahaharap sa mga reklamong direct assault with murder at thef kaugnay ng pagpatay sa mga tauhan ng pnp-saf sa maisan ng Brgy Tukanalipao, Mamasapano, Maguindanao noong Enero ng nakaraang taon.
Apat lamang sa mga respondent ang tumugon sa imbestigasyon ng doj panel at mariing itinanggi na may kinalaman sila sa pagpatay sa mga tauhan ng SAF.
(Roderic Mendoza/UNTV News)
Tags: Department of Justice, Mamasapano