AFP, itinuturing na impormante si Lt. Col. Marcelino

by Radyo La Verdad | January 27, 2016 (Wednesday) | 1378

AFP-FACADE
Impormante kung tawagin ang sinumang nagbibigay ng tip o impormasyon sa mga otoridad upang maisuplong ang sinumang lumalabag sa batas.

At ganito kung ituring ng Hukbong Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang isa sa mga kawal nito na si Lt. Col. Ferdinand Marcelino.

Iginiit naman ng opisyal na hindi na nangangailangan ng sariling imbestigasyon ang AFP hiwalay sa ginagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency hinggil sa kaso ni Marcelino.

Samantala, bukas naman ang AFP sa pakikipag-ugnayan kay Marcelino sakaling lumapit ito at humingi ng assistance.

Hindi pa rin itinitigil ang pagpapasahod kay Marcelino bilang isang Philippine Marine Official.

Pakiusap naman ng AFP na huwag husgahan si Marcelino at hayaan munang gumulong ang proseso ng imbestigasyon upang malaman ang katotohanan sa likod ng pagkakadakip sa kaniya sa isang shabu laboratory noong nakalipas na linggo.

Nadakip si Marcelino sa isang drug bust operation ng Philippine Anti-Illegal Drugs sa Sta. Cruz, Maynila noong January 21.

(Rosalie Coz / UNTV Correspondent)

Tags: ,