154 pulis na hindi sumipot sa reassignment sa Basilan, tinanggal na sa serbisyo

by Radyo La Verdad | March 28, 2017 (Tuesday) | 2928


Hindi na pababalikin ng Philippine National Police sa serbisyo ang 154 na pulis na nag-awol o hindi na nag-report sa trabaho dahil ayaw ma-assign sa Basilan.

Ayon kay NCRPO Chief PDir. Oscar Albayalde, sapat na ang mahigit isang buwang palugit na binigay sa kanila para magpaliwanag.

Ayon sa PNP, malaki ang posibilidad na sangkot sa iligal na gawain ang mga naturang pulis.

Samantala, 41 pulis ang umalis kaninang madaling araw papunta sa Zamboanga at didirecho sa Basilan.

Bahagi sila ng unang batch ng mga pulis na na-reassign sa Mindanao dahil sa mga kinakaharap na kaso sa Metro Manila.

Ngunit naiwan sila dito dahil inayos pa ang court duties at health conditions.

Sa kabuoan, 99 na pulis ang nare-assign sa Basilan.

Ayon naman kay NCRPO Chief Albayalde, may posibilidad na agad makabalik sa Metro Manila ang mga nasabing pulis.

(Grace Casin)

Tags: , ,