Petisyon upang ibaba ang pasahe sa UBER at GRAB, inihain sa LTFRB

by Radyo La Verdad | January 26, 2016 (Tuesday) | 6118

1--UTAK
Naghain ng petisyon ang grupong 1-UTAK sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board upang hilingin na ibaba ang pasahe sa UBER at GRAB car.

Ngayon ay nasa forty pesos ang flag down rate sa UBER, mahigit limampiso ang kada kilometro, dalawang piso naman kada minuto ang waiting time at mayroon pang surge pricing

Nais ng 1-UTAK na maibaba ng fifty percent ang flag down rate sa UBER at GRAB at alisin na rin ang surge pricing.

Kung maaaprubahan, magiging twenty pesos na lamang ang flag down rate ng mga transport network vehicle.

Ayon sa 1-UTAK, hindi ito masyadong makaka-apekto sa kita ng UBER at GRAB car dahil hindi naman malaki ang kanilang investment katulad ng sa mga taxi

Subalit ang LTFRB, mukang wala pang magagawa sa naturang petisyon, batay sa department order na inilabas ng Department of Transportation and Communication, nasa kapangyarihan ng mga transport network company ang pagtatakda sa halaga ng pasahe

Ayon sa LTFRB, ang magagawa nila sa ngayon ay ang umapila sa UBER at GRAB na magkusa na lamang na ibaba ang halaga ng kanilang pasahe gaya ng ginawa ng mga jeepney operator

Itinakda ng LTFRB ang hearing sa petisyon ngayong buwan ng Pebrero.

(Mon Jocson/UNTV News)

Tags: , ,