Mayor ng Mataas na Kahoy, Batangas, boluntaryong sumuko sa NBI kaugnay ng kasong rape at human trafficking

by Radyo La Verdad | January 25, 2016 (Monday) | 5930

RODERIC_ILIGAN
Nais umano ni Mayor Jay Ilagan ng Mataas na Kahoy, Batangas na linisin ang kanyang pangalan kayat nagkusa itong sumuko matapos ang bigong pag aresto sa kanya noong Disyembre.

Nahaharap ang alkalde sa mga kasong rape at human trafficking sa Ormoc City.

Isang kaibigan ni Ilagan ang nakipag ugnayan sa NBI para sa kanyang boluntaryong pagsuko.

Dadalhin ng NBI sa Ormoc si Ilagan para sa arraignment nito bukas.

Giit nito, gawa-gawa lamang ang kasong isinampa sa kanya at ni wala siyang natanggap na abiso o subpoena tungkol dito.

Isinama umano niya ito sa Ormoc City noong Nobyembre 2013 at doon isinagawa ang panghahalay.

Hinala ng alkalde, mga kalaban niya sa pulitika ang nasa likod ng mga kaso.

Aniya, posibleng may kinalaman dito ang big time contractor na si Edwin Gardiola na una na niyang inireklamo sa Ombudsman.

Humingi na rin ng tulong sa DOJ ang alkalde upang ma review ang isinampang kaso laban sa kanya.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , , , , ,