Milyon- milyon ang nalugi sa ekonomiya ng New York at iba pang mga estado sa East Coast ng Amerika dahil sa pananalasa ng major snow storm nitong weekend.
Sa New York City, nag-anunsyo ng mandatory closure ng lahat ng kalsada at public transportation si New York Gov.Andrew Cuomo mula Sabado ng hapon hanggang alas-7 ng umaga.
Ang pagsasara ng lahat ng transportation sa New York ay nangahulugan ng kawalan ng mga customers sa mga retail stores ng syudad gayun din ang pagka antala ng mga deliveries mula sa mga factories atbp.
Ayon sa IHS Global Insight, isang economic think tank sa America, ang isang araw na shutdown ng New York City ay mangangahulugan ng pagkalugi ng $700 million at halos $152 million na retail sales.
Bukod pa dito ay kinansela ang mahigit sampung libong flights sa mga airport sa mga apektadong estado.
Noong 2014, nang makaranas ang New York ng sunod-sunod na severe weather condition ay nakaapekto ito ng pagkawala ng 1.4 gdp sa kabuuang economic output ng bansa.
Sa ngayon ay inalis na ang travel ban sa New York ngunit pinapayuhan pa rin ng mga otoridad ang mga residente na manatili sa kanilang mga tahanan kung walang importanteng gagawin.
Ngunit hanggang ngayon ay nananatiling kanselado pa rin ang mga byahe ng eroplano sa mga paliparan.
Mangilan-ngilan lang ang mga taong makikita sa airport na stranded sa lugar simula pa noong Biyernes.
Ang naganap na snowstorm ang itinuturing na pangalawa sa pinakamatinding nananalasa sa syudad ng New York ayon sa National Weather Service.
(Aaron Romero / UNTV Correspondent)
Tags: ekonomiya, major snow storm, U.S East Coast