Magsisilbing game changer nga sa mundo ng pulitika itong nilagdaan ni Pangulong Aquino bilang ganap na batas ang Sangguniang Kabataan o SK Reform Act.
Mahahalagang probisyon ang nakapaloob sa Republic Act number 10742 o an act establishing reforms in The Sangguniang Kabataan Creating Enabling Mechanisms for Meaningful Youth Participation in Nation Building, for the Purposes.
Isa na rito ang pagtataas sa age requirement mula sa dating 15 to 17 years old ay 18 to 24 years old na ang kwalipikadong maging SK Officials.
Kung saan legal nang makakapasok sa isang kontrata ang isang opisyal ng kabataan at may kaukulan na ring pananagutan batay sa isinasaad na rin ng mga umiiral na batas.
Kauna-unahang ring maipapatupad ang anti-political dynasty provision sa batas na ito.
Kung saan ang mga kamaganak ng elected o appointed officials hanggang sa second degree of consanguinity o affinity ay bawal na tumakbo o pahalal sa SK posts.
May probisyon rin ang bagong batas na ito na mandatory at continuing training programs para sa SK Officials.
Kung saan maglalaan ng 50 million pesos para sa traning fund na maisasama na sa taunang General Appropriations Act.
Itatatag rin sa ilalim ng batas na ito ang tinatawag na Local Youth Development Council na binubuo ng mga representante ng iba’t ibang nagsisilbi nang youth organizations sa mga probinsya at municipal level na siyang tutulong sa pagpapatupad ng mga programa ng Sangguniang Kabataan.
Matatandaan na bago nilagdaan ni Pangulong Aquino itong SK Reform Act of 2015 ay umani na ng batikos sa pagiging corrupt at kawalan ng kaalaman.
Ilang grupo rin ang nanawagan na i-abolish na ang Sangguniang Kabataan.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: batas, SK Reform Act