Pilipinas, naghain ng panibagong protesta laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 3398

CHARLES-JOSE
Naghain nitong January 8 ng bagong protesta ang pilipinas laban sa mga aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Ayon sa Department of Foreign Affairs ang bagong protesta ay kaugnay sa isinagawang test flight ng China sa Katingan Reef o Fiery Cross Reef kamakailan.

Ayon sa DFA tulad ng dati, binalewala lamang ng China ang protesta at sinabing kasama sa mga karapatan nito na gumawa ng iba’t ibang aktibidad sa West Philippine Sea.

Sinabi naman ni dating Defense Secretary at kasakuyang kongresista Rodolfo Biazon na kahit na balewalain ng China ang protesta. Makakatulong pa rin ito upang lalong mapansin ng buong mundo ang iligal na ginagawa sa West Philippine Sea.

Samantala ipinahayag naman ng isang maritime law expert ang maaring maging senaryo sa West Philippine Sea kaugnay ng paglagda sa Enhance Defense Cooperation o EDCA

Ayon naman kay Biazon, bagamat makatutulong ang EDCA sa military capabilities ng pilipinas, tanging ang united nations lamang ang may kakayahan na pigilan ang mga ilegal na aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Samantala, umaasa pa rin ang DFA na ititigil na ng China ang mga unilateral action nito sa West Philippine na naglalagay sa kapayapaan at siguridad ng pilipinas sa peligro.

(Darlene Basingan/UNTV News)

Tags: , ,