Military facilities na gagamitin sa EDCA, isinasaayos na ng Armed Forces of the Philippines

by Radyo La Verdad | January 14, 2016 (Thursday) | 3810

RESTITUTO-PADILLA
Makakapagsimula na ang Pilipinas at Amerika na talakayin ang proseso ng pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement

Ito ay matapos na pagtibayin ng Korte Suprema ng Pilipinas ang EDCA.

Hindi pa matukoy ng AFP kung anu-ano ang mga partikular na military camps nito na gagamitin para sa EDCA.

Ilan sa nabanggit na kampo ng militar ay ang Camp Aguinaldo, Basa Airbase sa Pampanga, Sangley Point sa Cavite at ang Cagayan Naval Base.

Binigyang-diin ni AFP Spokesperson Restituto Padilla Jr. na hindi permanente ang paglalagay ng pasilidad ganun din ang deployment ng pwersa ng mga amerikanong sundalo sa mga lugar o kampo na pahihintulutan ng pamahalaan ng Pilipinas.

Aniya, malaking tulong din sa panahon ng kalamidad kung magiging accessible para sa philippine government ang humanitarian assistance and disaster response facilities ng amerika.

Mas mapapaigting din ang interoperability ng militar ng dalawang bansa dahil sa inaasahang mas maraming balikatan exercises.

Makakatulong din ang EDCA sa pagpapanatili ng maritime security at domain awareness lalo na at pinoproblema ngayon ng philippine government ang pagbabantay ng teritoryo nito sa West Philippine Sea.

Ganunpaman, nananatiling AFP ang nananagutan sa pagbabantay ng teritoryo ng bansa.

Samantala, binanggit naman ng AFP na kahit pinagtibay na ng Korte Suprema ang EDCA, wala pa ring karapatan ang tropang militar ng amerika na tumulong sa AFP at PNP sa pagtugis ng mga rebelde at armadong grupo sa bansa.

Positibo rin ang pananaw ng Department of Foreign Affairs na ngayong malinaw na ang pagiging constitutional ng EDCA, ay masisimulan ng mapagusapan ang detalye para sa lubos na pagpapatupad ng kasunduan.

(Rosalie Coz/UNTV News)

Tags: , ,