Nakapiit na sa Camp Karingal ang apat na lalaking nahuli sa isinagawang entrapment operation ang Quezon City District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group sa A. Bonifacio corner G. Roxas, Barangay San Jose sa Lungsod ng Quezon dakong alas onse-kuarenta kagabi
Kinilala ang mga suspek na sina Richard Ignacio, Eric Ricera, Charlie Garcia at Manolito Sanchez.
Residente ang mga ito sa nasabing lugar na naaktuhan pang nagpo-pot session sa loob ng isang bahay na pinaghihinalaang drug den.
Ayon kay Enrico Figueroa na nanguna sa operasyon nakatanggap sila ng tip mula sa ilang residente sa lugar upang mahuli ang mga gumagamit ng bawal na droga sa kanilang lugar.
Agad na din nagpadala ng ilang tauhan ang daid para manmanan ang mga itinuturong suspek at nang matyempuhang gumagamit ng droga sa loob ng pinaniniwalaang drug den ay agad na hinuli ang mga ito
Hindi na nakapalag ang mga ito matapos silang makorner sa loob ng bahay
Nakumpiska sa mga ito ng anim na sachet na pinaniniwalaang shabu na tinatayang may street value na dalawang put limang libong piso at iba pang drug paraphernalia.
Nakuha din mga otoridad ang isang ilegal na video karera.
Todo tangi naman ang mga suspek na sa kanila ng mga ipinagbabawal na gamot at nadamay lang umano sila.
(Reynante Ponte/UNTV Radio)
Tags: drug den, Quezon City District Anti-Illegal Drugs Special Operation Task Group