18 arestado sa buy bust operation sa hinihinalang drug den sa Quezon City

by Radyo La Verdad | February 2, 2016 (Tuesday) | 2650

REYNANTE_BUY-BUST
12 lalaki at 6 na babae ang naaresto ng mga otoridad sa isinigawang drug buy bust operation sa Quezon City kagabi.

Pasado otso ng gabi nang ikinasa ng mga kawani ng Quezon City District Anti Illegal Drugs- Special Operations Task Group ang operasyon sa Sitio Bacood Barangay Pasong Tamo Tandang Sora.

Nahuli ang mga suspek dahil sa isang impormasyong ibinigay ng isang informant na talamak ang bentahan ng illegal na droga sa lugar.

Nakumpiska ng mga otoridad mula sa mga suspek ang anim napung sachet na hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga sa 120,000 pesos, drug parapernalias, at mga patalim.

Nasa kustodiya na ng head quarters ng DAID sa Camp Karingal ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

(Reynante Ponte / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , ,