Sa 2015 4th quarter survey ng Social Weather Stations, sa 1,200 respondents, 11.7 percent ang nagsasabing nakararanas ng gutom o walang makain ng hanggang isang beses sa nakalipas na tatlong buwan, bumaba ito ng apat na porstento o nasa siyam na raang libong pamilya ang ibinaba nito kumpara noong September 2015.
Nakapagtala ito ng 2015 average hunger rate na 13.4 percent, mas mababa sa nakalipas na labin isang taon.
Ayon kay Presidential Communication Operations Office Secretary Herminio Coloma Junior, determinado ang pamahalaan na mapanatili ang nakamit nitong tagumpay pagdating sa paglutas sa kahirapan at kagutuman.
Ito rin ang dahilan kaya malaking bahagi ng 2016 budget ay inilaan para sa social protection at human development.
(Nel Maribojoc/UNTV News)
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com