Malaking bilang ng mga pilipino ang mas ina-alala ang usaping pang ekonomiya ng bansa.
Sa bagong survey ng Pulse Asia, nangunguna ang usapin sa inflation na nais ng mga pilipino na maaksyunan agad ng administrasyong Aquino na may 45 percent, pangalawa ang pagtataas sa sahod ng mga manggagawa na may 42 percent, pangatlo ang pagsugpo sa kahirapan na may 38 percent at paglikha ng mga trabaho na may 34 percent.
Mga isyu naman tungkol sa pagtatanggol sa teritoryo, pagamiyenda sa konstitusyon at paghahanda
Pagdating naman sa mga personal na usapin, maraming mga pilipino ang mas pinapahalagahan ang usapin sa kalusugan, pangalawa ang edukasyon para sa kanilang mga anak at maayos na sahod.
Isinagawa ang survey noong December 4 hanggang 11.
Sa panahong ito, nagfile ng certificate of candidacy ang mga tatakbo sa ibat ibang posisyon sa darating na eleksyon.
Ang pagkansela ng Comelec’s 1st at 2nd division sa COC ni Senator Grace Poe sa pagkapangulo dahil sa isyu ng citizenship at residency.
Ang paguutos ni Pangulong Aquino na imbestigahan ang “tanim bala” o “laglag bala” scam sa bansa.
At ang hosting ng pilipinas ng APEC Summit.
(Nel Maribojoc/UNTV News)
Tags: ekonomiya, Pulse Asia