8 sa 10 Pilipino boboto sa presidential candidate na magsusulong ng food and agriculture platform base sa SWS Survey

by Radyo La Verdad | January 12, 2016 (Tuesday) | 4669

SWS-SURVEY
Nitong last quarter ng taon nagsagawa ng survey ang Social Weather Station kasama ang Greenpeace Organization.

Sa tanong na “anong plataporma ang nais mong dalhin ng presidente ang inyong iboboto?”

Lumabas na 8 sa 10 pilipino o 76% mula sa 1200 respondents ang sumagot na nais nilang iboto ang kandidatong magbibigay ng prayoridad sa food and agriculture.

Ayon sa datos ng SWS karamihan sa mga respondent na pumili ng food and agriculture platrom ay mula sa NCR, sinusundan ito ng Luzon, Mindanao at Visayas.

Ayon sa Greenpeace isinama nila sa pagpipilian ng mga respondents ang food and agriculure platform upang makita ang pananaw ng publiko.

Kasama rin sa ibang pinagpilian ay ang pagsasabatas ng FOI, BBL at Anti Political Dynasty Bill.

Subalit mas marami ang pumili sa ang plataporma ay ang pagbibigay ng prayoridad sa pagkain at agrikultura.

Sangayon naman ang National Economic Development Authority o NEDA na dapat bigyan ng prayoridad sa ngayon ang sektor ng agrikultura.

Lalo’t naguumpisa nang maramndaman ng bansa ang epekto ng el nino phenomenon.

Gayunman tiniyak naman nito na may mga programang nakahanda ang gobyerno upang masolusyunan ang mga pangangailangang pang agrikulura ng bansa.

Gaya ng mga makabagong teknolohiya.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,