Hindi tamang pagbabayad sa maintenance provider dahilan ng mga problema sa operasyon MRT ayon kay former MRT General Manager Al Vitangcol

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 5301

AL-VITANGCOL
Isinisi ni dating MRT General Manager Al Vitangcol ang mga aberya ng MRT sa hindi tamang pagbabayad ng gobyerno sa maintenance provider.

Sinabi ni Vitangcol na noong siya pa ang namumuno sa MRT ay
ginagawan nila ng paraan na mabayaran ang serbisyo ng maintenance provider.

Kaya naman noong panahon niya sa MRT ay 18 hanggang 20 tren ang nakakabiyahe araw-araw.

Hindi rin daw humahaba ng husto ang pila taliwas sa nangyayari ngayon tuwing rush hour.

Sa kasalukuyan 4 hanggang 13 bagon na lamang ng MRT ang bumibiyahe araw-araw.

Kulang na kulang ito para sa tatlong daang libong pasaherong sumasakay sa mrt sa loob ng isang araw.

May mga bagong bagon nang dumating mula sa China subalit kasalukuyan pa itong sumasailalim sa testing kaya hindi pa nagagamit .

Una nang sinabi ni MRT General Manager Roman Buenafe nasa ngayon ay mayroon nang bagong maintenance provider ang MRT-3.

Na i-award ang long term maintenance contract sa joint venture ng Busan Transportation Corporation, Edison Development and Construction,
Tramat Mercantile at Castan Corporation

Ang bagong maintenance provider ay may tatlong taong kontrata.

Kabilang ang general overhaul ng lahat ng mga tren at pagpapalit ng signaling system sa nilagdaang kontrata ng bagong maintenance provider.

Tiwala si MRT General Manager Roman Buenafe na masosolusyunan na ang matagal ng problema sa kakulangan at aberya sa mga tren

Inaasahang mayroon pang dalawang tren ang darating sa bansa ngayong first quarter ng taon.

(Grace Casin/UNTV News)

Tags: , ,