Mga bagong tren ng MRT, siguradong darating sa Agosto

by Radyo La Verdad | June 22, 2015 (Monday) | 2905

MRT
Malapit ng matapos ang prototype ng bagong tren na inorder ng DOTC sa China Rail Road Company o CRRC.

Sa ikalawang linggo ng Agosto nakatakdang dumating ang bagong tren.

Ayon kay MRT General Manager Roman Buenafe, nasunod ng manufacturer ang lahat ng kanilang kahilingan para sa bagong disenyo ng tren.

Bukod dito, magkakaroon na rin ng bagong mode of power ang tren, mula sa direct current motor ay tatakbo na ito sa alternating current motor na magpapaganda sa takbo ng tren

Pagdating ng bagong tren sa bansa, dadaan muna ito sa maraming mga pagsusuri bago susubukang patakbuhin sa Nobyembre.

48 bagon o katumbas mg labing tatlong tren ang inaasahang makukumpletong maidedeliver sa bansa hanggang sa susunod na taon bilang karagdagan sa kasalukuyang pitumpung tren ng MRT.

Plano rin na gawing apat na bagon kada tren mula sa kasalukuyang tatlong bagon kada tren
Subalit bago ito patakbuhin ay papalitan muna ang mga riles na daraanan nito.

Tags: