Naitalang self-rated poverty rate sa buong taon ng 2015, pinakamababa sa nakalipas na 4 na taon – SWS

by Radyo La Verdad | January 7, 2016 (Thursday) | 1976

self-rated-poverty-rate
Hindi nagbago ang bilang ng mga pilipinong nagsasabing sila ay mahirap.

Sa 4th quarter survey ng Social Weather Stations, 50 percent pa rin ang nagsasabing sila ay mahirap.

Karamihan sa mga pamilyang nagsasabing sila ay mahirap ay mula sa Mindanao na may 70 percent, 67 percent sa Visayas at 54 percent sa Luzon.

Ito na ang pinakamababang naitalang self-rated poverty rate sa nakalipas na apat na taon.

Kung saan nakapagtala ng average rate na 50 percent noong 2015 kumpara noong 2014 na may 54 percent.

Bumaba rin ang self-rated food poverty rate sa 33 percent noong last quarter ng 2015 mula 35 percent noong September 2015.

Mas mababa rin ang average rate nito noong 2015 kumpara sa nakaraang mga taon.

(Nel Maribojoc/UNTV News)

Tags: ,