METRO MANILA – Ilalabas na ng Social Security System (SSS) at Government Service Insurance System (GSIS) ang kanilang cash gift sa mga pensioner ngayong unang linggo ng buwan ng Disyembre.
Ayon sa SSS, nasa P29.74-B ang kanilang inilaang pondo para sa P3.36-M.
Kahapon (December 2), inilabas ng SSS ang unang batch ng 13th month pay at pensions ng mga tumatanggap ng pensyon ng December 1 to 15.
Habang sa December 4 naman ilalabas ang mga tumatanggap ng pensyon mula December 16 hanggang sa katapusan.
Kwalipikadong makatanggap ng 13th-month pension ang mga SSS retirement pensioners, SSS employees’ compensation (EC) survivors, at total disability pensioners, kabilang ang partial disability pensioners na may pension duration na hindi bababa sa 12 buwan.
Samantala ang GSIS ay sa December 6 sisimulan ang pamamahagi sa mahigit 300,000 matatanda at disability pensioners.
Kwalipikadong tumanggap ng cash gift ay mga pensioner na may edad na at may kapansanan na tumatanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon at nabubuhay hanggang November 30, 2022.
Partikular ito sa mga pensioner na nag-avail ng 5 taong lump sum na benepisyo at nagpatuloy sa kanilang regular na buwanang pensiyon pagkatapos ng December 31, 2021, at mga miyembrong humiwalay sa serbisyo mula 2006 hanggang 2022 bago umabot sa edad ng 60 na nagsimulang tumanggap ng kanilang regular na buwanang pensiyon mula 2018, at naging mga regular na pensiyonado nang hindi bababa sa limang taon.
Ang mga pensiyonado na may edad na at may kapansanan na suspendido na sa katayuan noong December 31, 2021 dahil sa hindi pagsunod sa annual pensioners information revalidation ay makakatanggap din ng kanilang cash gift pagkatapos nilang muling i-activate ang kanilang status.