Tumaas pa ang bilang ng mga naputukuan sa Bicol Region ilang oras matapos ang pagpapalit ng taon

by Radyo La Verdad | January 1, 2016 (Friday) | 3579

allan_tumaas
Nadagdagan nga ang bilang ng mga naputukan sa Bicol Regional ayon sa ulat ng Department of Health Region V.

Dalawa na ang naitalang firecracker related injuries sa Catandunaes mula sa Brgy. Pacogon, San Miguel at sa Brgy. Yocpi, San Andres.

Umakyat naman sa labing apat ang biktima ng paputok sa Camarines Sur.

Sa kabuuan may 54 nang naitala ang DOH Region 5 na mga biktima ng paputok sa buong Bicol.

Samantala isang lalaki naman ang isinugod sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital matapos umanong tagain ng kainuman nito sa isang beer house sa Brgy. Baybay, Malinao, Albay.

Kinilala ang biktima na si Ryan Cherva, 37 taong gulang.

Ayon sa mga kaanak ibinalita na lamang umano sa kanila ng PNP Malinao na sugatan si Ryan sa kamay dulot ng pananaga.

Sa ngayon nga ay nakararanas ng pagbuhos ng malakas na ulan ang buong Albay.

Habang nagiwan naman ng maraming kalat sa daan ang pagsalubong ng taong 2016 dahil sa mga ginamit na paputok at pagkain.

(Allan Manansala / UNTV Correspondent)

Tags: , , , ,