Ipinagmalaki ng Malacañang ang ilan sa malalaking accomplishments ng administrasyong Aquino sa taong 2015.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Herminio Coloma Jr., isa sa nabanggit aniya ng Pangulo ay ang napababang bilang ng Overseas Filipino Workers (OFW) na umabot sa kalahating milyon.
Nabawasan na din aniya ang mga Pilipinong nasa antas ng kahirapan dahil sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Gayundin aniya ang bilang ng out-of-school youth dahil sa K-12 program ng DEPED at Conditional Cash transfer.
Napanatili din aniya ng pamahalaan ang katatagan ng ekonomiya.
Sa taong 2015 din aniya ay naipakita ng Pilipinas ang kahusayan ng pamahalaan sa matagumpay na hosting ng Asia Pacific Economic Summit.
Ayon pa kay Coloma, sa nalalabing buwan sa termino ni Pangulong Aquino, hangad pa rin aniya nito na mapahusay ang burokrasya ng pamahalaan..
Na dahil dito’y asahan na aniya ang pagbabago sa salary scale ng mga empleyado ng gobyerno para lalo pang mapaghusay ng mga ito ang kanilang serbisyo sa publiko.
(Jerico Albano / UNTV Radio Correspondent)
Tags: 2015, Administrasyong Aquino, Malacañang, Malalaking accomplishments