Mga OFW sa Saudi Arabia nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya ni Joselito Zapanta

by Radyo La Verdad | December 31, 2015 (Thursday) | 2058

MIGRANTE
Nakikiramay ang mga OFW dito sa Saudi Arabia sa pamilya ng binitay na filipino worker na si joselito zapanta

Si Zapanta ay nahatulan ng kamatayan matapos nitong patayin ang kanyang Sudanese landlord dahil sa away sa renta.

Ayon sa facebook post ng Migrante Middle East nakikidalamhati sila sa sinapit nang ating kababayan na sana anila ay nailigtas kung nakalikom ng sapat na halaga para sa blood money na pambayad sa mga kaanak ng napatay na Sudanese.

Nakikidalamhati rin ang dating ofw dito sa Saudi na si Don Lanuza na nahatulan rin ng kamatayan ngunit nabigyan ng pardon noong 2013.

Dalangin niya na mabigyan rin ng pardon ang ilan pa nating mga kababayan na nasa death row sa Saudi.

Una ng ipinaabot na rin ng Malacanang ang kanilang pakikiramay sa pamilya ni Zapanta.

Sa text message ni Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma sinabi nito na nalulungkot sila dahil sa sinapit ng ating kababayan.

Kaugnay nito, ipinaalala ng Malacanang sa mga ofw na laging tumalima sa mga patakaran sa mga bansang kanilang pinagtatrabahuhan o tinitirhan upang maiwasan na masangkot sa gusot.

(Eugene Bardoquillo/UNTV News)

Tags: , ,