Dalawampu’t tatlo ang nasawi habang mahigit pitumpu naman ang nasugatan sa pag-atake ng suicide bomber sa isang governtment office sa Northern Pakistan.
Inako ng Taliban insurgents ang pambobomba sa opisina ng National Database and Registration Authority o NADRA na siyang nag i-issue ng government id cards.
Ayon sa mga otoridad, isang suicide bomber na nakasakay sa isang motorsiklong puno ng pampasabog ang bumangga sa opisina kung saan maraming tao ang nakapila.
Itinaas naman ng Department of Foreign Affairs ng alert level 1 sa naturang bansa o precautionary phase dahil sa sunod-sunod na kaguluhan doon.
Pinapayuhan ang ating mga kababayan sa lugar na mag ingat.
Kung kinakailangan ng tulong ay makipag ugnayan lamang sa embahada ng pilipinas sa islamabad sa House no. 7-A Kohsar Road Sector F-7/2, Islamabad, Pakistan.
Maari ring tumawag sa kanilang hotline numbers o mag email sa islamabad.pe@dfa.gov.ph.
Sa kasalukuyan, nasa 1, 284 na Pilipino ang nasa Pakistan.
Tags: 20 patay, government office, pag atake, Pakistan, suicide bomber