Mga pasahero sa pantalan sa Masbate Port dagsa pa rin

by Radyo La Verdad | December 30, 2015 (Wednesday) | 6939

MASBATE
Dagsa pa rin ang mga pasaherong umuuwi sa lalawigan ng Masbate upang humabol sa long holiday vacation.

Ngayong martes nakapagtala na ang Philippine Coast Guard ng tatlong libo animnapu’t siyam ang dumating sa pantalan ng Masbate, doble ito kung ikukumpara pangkaraniwang araw na isanlibong pasahero.

Apatnapu’t tatlong motorized banca at anim na roro vessel ang bumiyahe ngayong araw sa pantalan ng Masbate

Nakabantay naman ang mga kawani ng Coast Guard sa mga pantalan.

Mayroon din passenger assistance center ang PCG na handang umasiste sa mga pasaherong dumadating at umaalis.

Mananatili passenger assistance center ng Coast Guard hanggang sa January 7 2016

Nagpaalala naman ang Coast Guard sa mga pasahero na huwag ng magdadala ng anumang uri ng ipinagbabawal na paputok maging ng deadly weapon o matutulis na bagay upang maiwasan ang anumang aberya

Tinitiyak naman ng Coast Guard na may sapat na lifejacket ang mga pasaherong sumasakay sa mga sasakyang pandagat

At mahigpit na binabantayan ang mga sasakyan upang maiwasan ang overloading ng mga pasahero.

(Gerry Galicia /UNTV News)

Tags: ,