Malacañang, nanawagan sa publiko na makiisa sa pag-iwas sa paggamit ng paputok sa pagsalubong sa 2016

by Radyo La Verdad | December 28, 2015 (Monday) | 1907

COLOMA
Nagrekomenda ang Malacañang ng ilang alternatibong paraan ng pagiingay para salubungin ang taong 2016.

Ito ay gaya ng pagpatugtog ng musika at pagdaraos ng street parties.

Ayon kay Presidential Communcations Secretary Herminio Coloma Jr., dapat makiisa ang sambayanan sa pag-iwas sa paggamit ng makapaminsalang paputok at salubungin ang 2016 nang ligtas at malayo sa kapahamakan.

Nagpaalala ito sa mga magulang na bantayan ang kanilang mga anak sa paggamit ng mga paputok at himukin din ang mga ito sa ligtas na pamamaraan ng pag-iingay tulad ng paggamit ng torotot, musika, at kaldero.

Patuloy na rin aniyang nakikipagtulungan ang Department of Health sa sa Department of Interior and Local Government o DILG, Department of Trade and Industry at Philippine National Police para pigilan ang pagbebenta ng iligal na mga paputok.

(Jerico Albano / UNTV Radio Reporter)

Tags: , , , , , ,