133,000 metric tons ng bigas, inaasahang darating sa Zamboanga Region sa katapusan ng Setyembre

by Radyo La Verdad | September 19, 2018 (Wednesday) | 7829

Bumaba na ang presyo ng commercial rice sa Zamboanga City. Nasa 46 piso kada kilo ang pinakamababang presyo sa ngayon, samantalang nasa 60 piso naman ang mga special rice.

Nasa 32 piso naman ang presyo kada kilo ng NFA rice na pinipilahan pa rin ng mga mamimili.

Matatandaang pumalo sa 70 piso kada kilo ang commercial rice sa Zamboanga noong Agosto dahil sa kakulangan ng suplay.

Sa katapusan ngayong buwan ng Setyembre, inaasahang darating pa ang nasa one hundred thirty-three thousand metric tons na NFA rice, katumbas ito ng 2.6 milyon na bags ng bigas ayon sa NFA.

Ide-deliver ito sa buong Zamboanga Region at kalapit probinsya tulad ng Sulu at Tawi-Tawi.

Naniniwala ang NFA na sa pamamagitan nito ay hindi kukulangin ng bigas ang rehiyon hanggang sa unang quarter ng 2019.

Sa ngayon ay mayroon pang 55,000 bags na inventory ang NFA na posibleng tatagal pa hanggang sa buwan ng Nobyembre.

Bukod dito ayon sa NFA, marami na ring dumating na mga commercial rice sa Zamboanga.

 

( Dante Amento / UNTV Correspondent )

Tags: , ,