13 OFW mula Iraq dumating na sa bansa Kahapon (Jan. 15)

by Erika Endraca | January 16, 2020 (Thursday) | 27777
(FILE PHOTO) OFW IRAQ -Filipino overseas workers with a headband “Overseas Filipino Workers (OFW) in Iraq” rally near the gates of presidential palace in Manila, Philippines on Friday, 20 August 2004. There are already some 4,000 Filipino civilians working for various foreign companies in Iraq. More workers have pending applications for jobs there, but the government has yet to lift a ban imposed due to last month’s hostage crisis. EPA/DENNIS M. SABANGAN

METRO MANILA – Dumating na dito sa Pilipinas Kahapon (Jan. 15) ang 13 Overseas Filipino Worker (OFW) mula sa bansang Iraq.

Sila ang unang batch ng mga Pilipinong kasama sa repatriation na isinasagawa ng pamahalaan bunsod ng tensyon sa pagitan ng Amerika at Iran.

Samantala ipinagutos na rin ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagpapatupad ng total deployment ban ng mga OFW sa Iraq.

Una nang itinaas sa Alert level 4 ang Iraq at kasalukuyang isinasagawa ang mandatory repatriation sa lahat ng Pilipino sa nasabing bansa.

Tags: ,