13 close contact ng lalaking positibo sa UK Variant, nagpositibo sa Covid-19

by Erika Endraca | January 21, 2021 (Thursday) | 2348

METRO MANILA – Iniulat ng Department of Health na 13 close contacts ng unang kumpirmadong kaso ng UK varinat sa Pilipinas ang nag-positibo sa Covid-19.

8 rito ay co-passengers nito at pawang mga Pilipino na nag- positibo sa virus pagdating sa Pilipinas.

Kaagad silang nag- quarantine at dinala sa isolation facilities pagkalabas ng kanilang RT- PCR test result.

Lumabas sa kanilang unang RT- PCR na bagman positibo sila sa Covid-19 ay mababa ang kanilang viral load kaya’t hindi maaaring isailalim sa genome sequencing.

Kaya naman isasailaim muli sila sa swab test upang matukoy kung positibo rin sila sa UK variant.

“ Ang ek na flight dumating dito sa ating bansa nung January 7. Ang lulan na pasahero ay 159. Dito sa 159 na pasahero, meron nag positibo na 9. Walo ay yung ibang pasahero at yung isang pasahero ayun yung index case natin–who came from Dubai and is now isolated. Ang kanyang status ngayon, sya ay he remains to be stable malapit na rin matapos ang kanyang isolation period. Now dito sa 159 na ito, dito sa 8 we tried doing the re-swabbing.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Bukod sa mga ito, lima pa sa close contact ng pasyente ay positibo rin sa Covid-19. Kabilang dito ang 2 pang pasahero.

“Ang very close contacts nya ay mga hosehould members nila kasama yung nanay at yung girlfriend nya. Yung gf nya initially tested negative pero nung nag reswab tayo, she turned positive. And the mother, nung sinawab sya, ang resulta nya rin ay positive. So pinadala na rin for sequencing yung kanilang mga specimen.” ani DOH Spokesperson, Usec Maria Rosario Vergeire.

Wala pang ibinibigay na detalye ang mga otoridad kung paanong nahawa ang nanay ng lalaki.

Una nang sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na hindi naman umano nakauwi sa kanilang tahanan sa Quezon City ang magkasintahan pagkagaling ng Dubai.

Samantala, lahat ng sample ng limang positibo sa covid-19 ay ipinadala na sa phiilippine genome center para sa sequencing upang malaman kung uk variant ang tumama sa mga ito.


Ngayong araw posible aniyang malaman ang resulta ng mga ito

Samantala, 4 na lang sa 159 close contacts ng pasyente ang patuloy na tinutunton ng mga otoridad.

Nagpatulong na ang Doh kay Contact Tracing Czar Mayor Benjamin Magalong upang mapabilis ang pakikipag-ugnayan sa mga ito.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: