Pagdinig sa petisyon laban sa kandidatura ni Mayor Rodrigo Duterte bukas, hindi na tuloy

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 2185

VICTOR_HINDI-TULOY
Ipinadidismis na ng mga abugado nina Martin Diño, Mayor Rodrigo Duterte at ng PDP Laban ang petisyong isinampa ng isang Ruben Castor laban sa kanila.

Ito ay matapos na hindi sumipot sa ipinatawag na preliminary conference ngayong araw si Castor maging ang kanyang abugado.

Nakasaad sa petisyon ni castor ang kahilingan na ideklarang null and void ang certificate of candidacy ni Diño sa pagkapangulo dahil sa mga depekto nakasaad sa dokumento at dahil dito ay hindi rin aniya maaring maging substitute presidential candidate ng PDP Laban si Duterte.

Samantala, hindi pumayag ang mga abogado ng mga respondent na ituloy ang marking of evidence dahil sa wala ang kabilang panig
Anila nakasaad sa notice of conference na ipinadala ng 1st Division na kapag hindi sumipot ang petitioner sa ipinatawag na pagpupulong ngayong araw ay madidismiss ang reklamo.

Dahil dito nagpasya ang 1st Division ng poll body na huwag nang ituloy ang hearing sa petisyon bukas.

Submitted for resolution na rin ang petisyon.

(Victor Cosare / UNTV Correspondent)

Tags: ,