Samar Province, naghanda na ng karagdagang supply ng bigas at canned goods para sa mga apektadong lugar ng bagyong Nona

by Radyo La Verdad | December 15, 2015 (Tuesday) | 2038

JENELYN_SAMAR
Bumili na ang lalawigan ng Samar ng dalawang libo limang daang sakong bigas sa NFA o National Food Authority bilang augmentation sa relief goods na unang ipinadala ng DSWD sa dalawamput anim na bayan at syudad sa lalawigan.

Ayon kay Van Torevillas, head ng Provincial Disaster Risk Reduction Council magbibigay sila ng karagdagang ayuda base sa kailangan at request ng municipalidad na naapektuhan ng bagyong Nona.

Nagpadala na rin ang probinsya ng 1,800 family food pack sa Tarangnan Samar, habang ang inihahanda na rin nila ang relief goods sa mga island brgy at municipalities.

Kapag nagbigay na ang abiso ang Philippine Coastguard na maaari ng pumalaot sa dagat ngayong araw ang mga bangka ay mai de-deliver nila agad ito.

Samantala, nagkaroon ng house to house information drive ang Catbalogan CDRRMC sa mga high risk ng landslide sa lugar upang mabigyang babala ang residente at pansamantalang lumikas sa mas ligtas na lugar.

Animnapung pamilya mula sa poblacion 1, 4 at 6 ang kasalukuyang nasa evacuation center ng Catbalogan, habang limangdaan namang residente mula sa pitong brgy ng Tarangnan ang lumikas na rin.

Sinabi ng DSWD na ina-antabayanan nila ang magiging pangangailangan ng mga apektadong lugar at nakahanda silang mag-abot ng karagdadagang ayuda kung sakaling kakailanganin ito ng lokal na pamahalaan.

(Jenelyn Gaquit / UNTV Correspondent)

Tags: , ,