Singil sa kuryente ng Meralco tataas ngayong Disyembre

by Radyo La Verdad | December 10, 2015 (Thursday) | 2973

MERALCO
Matapos ang ilang buwan na sunod sunod na pagbaba, tataas ang singil sa kuryente ngayong Disyembre.

Ayon sa Manila Electric Company halos anim na sentimo o 5.5 centavos ang madadagdag sa singil sa kuryente sa mga customer ng Meralco.

Ang isang bahay na komokonsumo ng 200 kilowatt kada buwan ay magkakaroon ng dagdag na 11 pesos, halos 17 pesos sa 300 kilowatt kada buwan, habang ang komokonsumo naman ng 500 kilowatt kada buwan ay mayroong dagdag na P27.50 sa kanilang electric bill.

Ayon sa Meralco nakaapekto sa presyuhan ng kuryente ang mataas na generation charge at iba pa, gaya ng mataas na singil ng mga power plants at gayundin naman ang presyo ng nabibiling kuryente sa wholesale electricity spot market.

Nakaapekto rin ang mga naka-schedule na maintenance ng mga planta

Samantala, nagbababala ang Meralco sa mga mababang kalidad na pailaw na nabibili sa mga pamilihan ngayong holiday season.

Madalas na pinagmumulan ng sunog ang mga mababang kalidad na produkto na walang sertipikasyon mula sa Department of Trade and Industry.

Nagpaalala ang Meralco na iwasan rin ang mga octopus o sala-salabat na connection upang makaiwas sa overheat na maaaring pagmulan ng sunog.

Pinayuhan rin ng Meralco ang mga bibili ng mga appliances na tingnan ang mga Meralco orange tag upang makatipid sa kuryente

Nnagbabala rin ang Meralco sa mga bumibili ng mga energy saver device na iwasan ng gumamit nito dahil hindi totoong nakakatipid ito sa konsumo ng kuryente. (Mon Jocson/UNTV News)

Tags: